NOON, walang dedicated port ang Borac sa Coron, Palawan, kaya kung saan-saan lang humihimpil ang mga bangka at iba pang sasakyang pandagat mula at papunta sa lugar.
Upang magbigay ng mas maayos, mas maginhawa at mas ligtas na paraan para sa mga pumapasok at lumalabas sa isla, sinimulan ang port development project dito noong Nobyembre 2018.
NGAYON, dahil sa pagsisikap ng Philippine Ports Authority (PPA) sa pamumuno ni GM Jay Daniel Santiago, sa ilalim ng paggabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, may bagong pantalan ng maipagmamalaki ang Borac.
Ang pantalan ay 100% COMPLETE na, gayundin ang back-up area nito. May naka-install na rin na mooring at fender system, upang maiwasan ang pagkasira ng pantalan at mga sasakyang pandagat na hihimpil dito.
Dahil dito, tiyak na aangat ang antas ng kalakal at turismo sa lugar.
Opisyal na natapos ang proyekto noong Nobyembre 2019. Pinasinayaan na rin ito ‘virtually’ noong ika-12 ng Hunyo 2020.