Saturday, July 11, 2020

A Netizen's response to Angelica Colmenares

This post is taken from Luc Ferine

Angelica Colmenares,  Halika, basa ka muna nang konti ha. Ganto:  1. Ang obligasyon ng gobyerno ng bawat estado ay hindi ang bigyan ng trabaho ang bawat mamamayan. Kung babasahin mo ang saligang batas, walang sinasabi riyan na bigyan lahat ng trabaho ang mga mamamayan. Simple lang ang rason dyan ate: Di kaya ng gobyerno na gawing public employees ang bawat isa sa atin. It is ridiculous to think that government is supposed to employ us.  2. Sa halip, ang obligasyon ng pamahalaan ay siguraduhing may sosyodad, mga batas at alituntunin kung saan magiging hiyang ang pribadong sektor na mag-negosyo, umutang, gumastos, at mangailangan ng mga trabahante.  3. Obligasyon din ng pamahalaan na gumawa ng batas: Mag-imbistiga, umusisa, magtanong at magpasya kung paano mapapabuti at mapapanatili ang nasabing kasanayan. Gawain ng gobyerno na alamin kung ang mga negosyante ba ay gumagalaw nang patas sa gobyerno, sa isa't-isa, sa kanilang mga empleyado, at sa taong bayan.  4. Ang nakikita mo ngayon sa kongreso ay walang iba kundi ang pagsunod ng ating mga opisyales sa mandatong yan. Kailan ba dapat usisain ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN kundi sa panahong nag-expire na ito? Ngayon yun.  5. Kung ang iyong argumento ay dapat inuuna ng kongreso ang mga bagay na binanggit mo, eh dapat di nila sinasalang ang prangkisa ng ABS-CBN ngayon. Dapat Covid19, mga mahihirap na walang makain, at kung ano-ano pang gusto mong mga isyu lang dapat ang ginagawa nila. Tinanong mo ba ang mga Amo mo kung kaya o gusto nilang maghintay? At sino naman ang nagsabi sa iyo na kesyo isang committee lang ang nakikita mo sa tibi ang naghi-hearing ay ibig sabihin wala nang iba pang nangyayari sa kongreso? Mali yang paniniwalang yan. Mali.  6. Walang pwedeng magpumilit sa kongreso na bigyan siya ng prangkisa. Yan ang ibig sabihin ng prebelihiyo. Sana malinaw yan sa iyo. Kung hindi masyado malinaw, Google mo.  7. Nakikisuyo ang ABS-CBN dito sa sitwasyong ito. Sa tingin mo, yang inaasal ng ABS-CBN na kinukunsinti mo, ay syang tamang asal na akma sa sitwasyong ito?  8. Relaks ka lang, ate. Walang kabuluhan yang kalayaan mong magsalita kung ikaw mismo di alam ang dahilan at patutunguhan ng iyong sinasabi. Iisnabin ka lang.  9. At pag minalas-malas ka pa, ay baka aawayin ka.  Hanggang dito na lang muna ha. Next time uli.

Angelica Colmenares,


Halika, basa ka muna nang konti ha. Ganto:


1. Ang obligasyon ng gobyerno ng bawat estado ay hindi ang bigyan ng trabaho ang bawat mamamayan. Kung babasahin mo ang saligang batas, walang sinasabi riyan na bigyan lahat ng trabaho ang mga mamamayan. Simple lang ang rason dyan ate: Di kaya ng gobyerno na gawing public employees ang bawat isa sa atin. It is ridiculous to think that government is supposed to employ us.


2. Sa halip, ang obligasyon ng pamahalaan ay siguraduhing may sosyodad, mga batas at alituntunin kung saan magiging hiyang ang pribadong sektor na mag-negosyo, umutang, gumastos, at mangailangan ng mga trabahante.


3. Obligasyon din ng pamahalaan na gumawa ng batas: Mag-imbistiga, umusisa, magtanong at magpasya kung paano mapapabuti at mapapanatili ang nasabing kasanayan. Gawain ng gobyerno na alamin kung ang mga negosyante ba ay gumagalaw nang patas sa gobyerno, sa isa't-isa, sa kanilang mga empleyado, at sa taong bayan.


4. Ang nakikita mo ngayon sa kongreso ay walang iba kundi ang pagsunod ng ating mga opisyales sa mandatong yan. Kailan ba dapat usisain ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN kundi sa panahong nag-expire na ito? Ngayon yun.


5. Kung ang iyong argumento ay dapat inuuna ng kongreso ang mga bagay na binanggit mo, eh dapat di nila sinasalang ang prangkisa ng ABS-CBN ngayon. Dapat Covid19, mga mahihirap na walang makain, at kung ano-ano pang gusto mong mga isyu lang dapat ang ginagawa nila. Tinanong mo ba ang mga Amo mo kung kaya o gusto nilang maghintay? At sino naman ang nagsabi sa iyo na kesyo isang committee lang ang nakikita mo sa tibi ang naghi-hearing ay ibig sabihin wala nang iba pang nangyayari sa kongreso? Mali yang paniniwalang yan. Mali.


6. Walang pwedeng magpumilit sa kongreso na bigyan siya ng prangkisa. Yan ang ibig sabihin ng prebelihiyo. Sana malinaw yan sa iyo. Kung hindi masyado malinaw, Google mo.


7. Nakikisuyo ang ABS-CBN dito sa sitwasyong ito. Sa tingin mo, yang inaasal ng ABS-CBN na kinukunsinti mo, ay syang tamang asal na akma sa sitwasyong ito?


8. Relaks ka lang, ate. Walang kabuluhan yang kalayaan mong magsalita kung ikaw mismo di alam ang dahilan at patutunguhan ng iyong sinasabi. Iisnabin ka lang.


9. At pag minalas-malas ka pa, ay baka aawayin ka.


Hanggang dito na lang muna ha. Next time uli.


The contents of this post are taken from Luc Ferine