Conflagration. Kanina munting paso lang. Ngayon tila third degree burns. Kakaibang tama rin naman sa isip ang hamunin ang pangulo na itulak ang anti dynasty law.
Una, haller? bakit di nila ginawa o tinulak nung panahon ni Noynoy? And let's not forget ANO GINAWA NI MRS. AQUINO nung presidente siya. Di ba ideals nila ang isinaksak sa 1987 constitution? Pero hindi rin niya inicertify as urgent yang batas against dynasties. Baka nganaman magtampo ang mga Sumulong, Cojuanco, Aquino etc.
Ang tagal nang dekorasyon lamang ang probisyon na ito sa saligang batas, tapos for some reason, si Duterte may kasalanan dahil hindi pinapasa ang enabling act nito?
Pangalawa, eh hindi ba senador ka? Trabaho mo yan. Unless willing kang aminin na you don't have the political werewithal, means, or even motivation to do that.
Really, Senator Pangilinan, what were you thinking?
Opinion from Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan